Skip to main content

Pagpupulong ukol sa usaping makakatulong sa ating mga kababayan

 

Mayo 18, 2023
Nagpatawag ng pagpupulong si Mayora Irenea Maniquiz-Binan kasama sina Board Member/Kapitan Raedag Villamin, Jr. ng Bgy. Palanginan, Kapitan Marcial Josafat at mga kagawad ng Zone 1, Municipal Social Welfare and Development Officer Mila Fronda, Municipal Police Station at Public Order and Safety Unit representatives upang talakayin ang usaping makakatulong sa ating mga kababayan at mga Badjao upang lisanin ang lansangan kung saan karamihan sa kanila ay namamalimos.
Batid ng ating Lokal na Pamahalaan ang paglaganap ng ganitong pangyayari kung saan ang ilan sa kanila ay nakakaperwisyo o nakakapanakit. Umpisa pa lamang po ito ng proseso ng iba’t-ibang pamamaraan upang tuluyang matugunan ang usaping ito.
#BayanNgIba
#IbaAngManiquiz
#SerbisyongMayMalasakit