Skip to main content

Pag-inspeksyon sa mga Resort

Magkakatuwang na nagsagawa ng masusing inspeksyon ang mga kinatawan ng Provincial Tourism Office, Iba Tourism Office, Botolan Tourism Office, RHU-Iba at Provincial Health Office sa mga resorts sa ating bayan na nag-aapply upang makakuha ng Provincial Certificate of Authority to Operate ng sa gayun ay makabalik na sa operasyon ang kanilang mga resorts.

Ito ay isa lamang sa safety protocols mula sa Department of Tourism na kailangang isagawa upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga mamamayan.

Ang mga resorts na papasa alinsunod sa safety standards na itinalaga ng IATF at DOT ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kapag sila ay nabigyan na ng PCAO.