
Naging Matagumpay ang isinagawang State of the Town Address and Opening of the Regular Session of the Sangguniang Bayan for C.Y. 2021
January 14, 2021
Naging matagumpay ang isinagawang State of the Town Address and Opening of the Regular Session of the Sangguniang Bayan for C.Y. 2021 ngayong araw sa pamumuno ng ating mahal na Mayor Jun Rundstedt C. Ebdane, Vice-Mayor Irenea M. Binan at Sangguniang Bayan Members.
Ito ay dinaluhan ng mga officials mula sa ating MPS, Maritime, Barangays, DepEd, DILG at iba pang mga sangay ng gobyerno.
Nakapaloob sa ulat ng ating Mayor ang matagumpay na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa kasagsagan ng pandemya, ang pagtatayo ng bagong munisipyo na sisimulan sa Marso, ang pagbibigay trabaho sa mga graduates na walang pang board exams, patuloy na financial assistance sa mga mag-aaral ng kolehiyo, basic school needs ng mga elementary pupils, at ang financial aid sa mga kapos nating mga kababayan.
Binigyang diin din ng ating mahal na mayor ang problema sa trapiko, basura at palengke na kailanagng iprayoridad ng ating lokal na pamahalaan at dapat bigyan ng agarang konkretong solusyon ngayong taon.
Ang Regular Session naman ng Sangguniang Bayan para sa taon na ito ay magbubukas din ngayong araw sa pamumuno ng ating mahal na Vice-Mayor Irenea M. Binan.