
Meeting about Information Dissemination Campaign and Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act) November 20, 2019
Sa pagtutulungan ng Mayor’s Office sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Jun Rundstedt C. Ebdane at MENRO designate Gilbert Ong ay matagumpay na isinagawa ang Information Dissemination Campaign patungkol sa wastong pagbubukod ng mga basura sa ating tahanan at pamayanan. Kasama ring ipinaliwanag ang Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act) sa naturang pagpupulong.
Ito ay nilahukan ng lahat ng empleyado ng LGU-Iba at asahang maipararating ang mga kaalamang napapaloob dito sa bawat barangay sa mga susunod na araw upang mas maliwanagan ang mga mamamayan sa mga isyu patungkol sa basura.
#BagongIba