Skip to main content

Mabusising Nilinis (Disinfect) ang Public Market at Isinaayos ang mga Nakahambalang sa Pasilyo

Mabusising nilinis (disinfect) ang public market at isinaayos ang mga nakahambalang sa pasilyo upang maging maaliwalas, magandang tignan at walang abala sa ating mga mamimili. Ito ay naisakatuparan sa pamumuno ng ating market supervisor na si Ma’am Charlotte Roa Calimlim.

Matatandaan na isa ito sa mga bagay na nais mabigyan ng agarang aksyon ng ating mahal na Mayor Jun Rundstedt C. Ebdane sa kanyang State of the Municipality Address Address noong nakaraang Linggo.