Skip to main content

Launching Ceremony of 62-footer FRP Handline Fishing Boats

September 21, 2022 | Miyerkules
Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Launching Ceremony of 62-footer FRP Handline Fishing Boats held at PMTI Compound, Subic Fish Port, Zambales.
Ang ating mga masisipag na mga mangingisda sa Rehiyon III KABILANG NA ANG ATING MGA MANGINGISDANG IBANIANS biniyayaan ng DA-BFAR ng bangkang pangisda.
Ang LGU-Iba ay lubos na nagpapasalamat sa ating kasalukuyang DA Secretary at mahal na Pangulong FERDINAND ROMUALDEZ MARCOS, dating Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE kasama ang ating mga butihing senador, Kgg.BONG GO at Kgg.CYNTHIA VILLAR.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong mas lalong maging produktibo at mapalakas ang produksyon ng isda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malaking fiberglass reinforced plastic (FRP) Handline Fishing Boats.
Ito rin ay naglalayong isulong ang mga kooperatiba ng mangingisda at asosasyon sa pagpapatakbo ng proyekto bilang isang negosyo upang matiyak na ang pagpapanatili at nakukuhang mga benepisyo para sa mga benepisyaryo.
“Mas malalaking bangka, mas malayong distansya ang mararating at maraming huli ang maiuuwi” – DA-BFAR Officer in Charge Director Atty. Demosthenes Escoto
Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang kawani ng gobyerno kabilang sina Gob. Hermogenes Ebdane, Mayor Irenea Maniquiz-Binan, SB Member Margie Maniquiz-Noveno, Municipal Agriculturist Eden Tabua, at iba pang mga opisyal mula sa rehiyon at pambansang tanggapan.
#SalamatPBBM
#SalamatFPRRD
#SalamatBongGo
#SalamatCynthiaVillar
#SerbisyongManiquiz
#SerbisyongMayMalasakit