Skip to main content

Information Dissemination Campaign 2019

Sa pagtutulungan ng LGU-IBA sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Jun Rundstedt C. Ebdane, Vice-Mayor Irenea Binan at MENRO designate Gilbert Ong ay matagumpay na isinagawa ang Information Dissemination Campaign patungkol sa wastong pagbubukod ng mga basura sa ating tahanan at pamayanan.

Ito ay nilahukan ng lahat ng mga kapitan sa ating bayan. Layunin ng pagpupulong na ito na ipalaganap sa mga baranggay ang tamang pagsegregate ng basura sa bawat tahanan para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating bayan.

#BagongIba