Skip to main content

ika-122 taong Anibersaryo ng Komisyon sa Serbisyo Sibil

September 23 | Biyernes
Sa pagdiriwang ng ika-122 taong Anibersaryo ng Komisyon sa Serbisyo Sibil, nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad ang kagawaran na ginanap sa SMX Convention Center SM Central, Olongapo City na dinaluhan ng iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga pampublikong tanggapan sa Zambales.
Nagpamalas ng galing ang bawat grupo sa pagtitiktok bilang patimpalak ng kagawaran kabilang na ang ating mga empleyado sa Bayan ng Iba na humataw sa entablado.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Vice Governor Jack Khonghun, 2nd District Board Member Jun Rundstedt Ebdane, Mayor Irene Maniquiz-Binan, SBMA Chairman and Administrator Rolen Paulino, at CSC Field Office Director II Randy Tababa.
#CSC122ndAnniversary
#BayanNgIba
#IbaAngManiquiz
#SerbisyongMayMalasakit