Skip to main content

IBA TODA GENERAL CHRISTMAS PARTY

Sa kabutihang loob ng ating Mayor Rundy C. Ebdane at Vice Mayor Irenea M. Binan kasama ang mga SB Members at Governor Hermogenes Ebdane ay muling naisakatuparan ang IBA TODA GENERAL CHRISTMAS PARTY kung saan ito ay nilahukan ng mga tricycle drivers at operators dito sa ating bayan.

Naging masaya ang pagdiriwang kung saan nagpamudmod ng maraming papremyo para sa lahat ng nakisaya sa selebrasyon. Isang maswerte ang nag-uwi ng brand new tricycle bilang grand prize sa raffle draw ng nasabing okasyon.