
Iba District Teachers Christmas Party
Walang humpay na kasiyahan, kainan, tawanan, pa-raffle at sayawan ang hatid ng LGU-Iba sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Rundy C. Ebdane at Vice-Mayor Irenea M. Binan para sa ating mga kaguruan dito sa ating bayan para sa kanilang pagdiriwang ng “Iba District Teachers Christmas Party” na ginanap sa Iba Central School noong ika-11 ng Disyembre.
Sa pangunguna ng ating District Supervisor Milma Mendones ay matagumpay na naisakatuparan ang kanilang selebrasyon kasama sina Mayor Ebdane at Vice-Mayor Binan at ang lahat ng mga guro.
Para sa ating mga kaguruan sa ating bayan, kasiyahan po namin ang kayo ay mapaglingkuran kahit sa maliit na paraan. Kami po ay nagbibigay pugay sa inyo.
Maraming salamat po at advance Merry Christmas sa inyong lahat