
Hybrid Rice Derby Demonstration
Pebrero 17, 2023
Byernes
Nagsagawa ng Hybrid Rice Derby Demonstration ang Municipal Agriculture Office katuwang ang Provincial Agriculture Office at mga Private Seed Companies sa Brgy. Dirita, Iba, Zambales upang maipakita ang ibat-ibang katangian ng ibat-ibang hybrid variety na pwedeng gamitin ng ating mga magsasaka.
Ang Hybrid Rice ay isang technolohiya na nagbibigay ng mas mataas na ani kumpara sa ordinaryong variety ng palay na siya ring layunin ng programang ito.
Ito ay dinaluhan ni Mayor Irenea Maniquiz Binan, OIC-Provincial Agriculturist Crisostomo Rabaca, Municipal Agriculturist Eden Tabua, mga representative ng ibat-ibang seed company, at mga magsasaka ng ibat ibang barangay sa ating bayan.