
Expanded Caravan/Outreach Program sa Sitio Lupang Pangako, Brgy. San Agustin, Iba
KAHAPON, ika-17 ng Nobyembre, ang Zambales PPO sa pamumuno ni PCol. Ponce Rogelio Peñones, Jr., Provincial Director katuwang ang Iba Municipal Police Station sa pangunguna ni PCpt. Jan Reanel Romero, Acting Chief of Police, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ng ating butihing Punong Lalawigan, Gob. HERMOGENES E. EBDANE, JR. kasama si ASEC MMDA Celine Pialago, Malasakit Movement Ambassadress, Lokal na Pamahalaan ng Iba sa pamumuno ni Mayor Rundy Ebdane at sa pamamagitan ni Vice Mayor Irenea Maniquiz-Biñan, Brgy. San Agustin Officials, PHO, TESDA, LTO-Iba, DENR, 305th RMFB3, 23rd SAC PNP-SAF, 1st & 2nd PMFCs, TAU Gamma-Bangantalinga Chapter at KKDAT-Iba ay sama-samang nagsagawa ng Expanded Caravan para sa mamamayan ng nasabing lugar.
Dito ay namahagi ang tanggapan ni Gob. Jun Ebdane ng 285 pirasong food packs sa mga kababayang higit na nangangailangan ng ayuda sa Sitio Lupang Pangako sa pangunguna ni PDRRM Officer Rolex Estella katuwang ang mga masisipag na Staff ng Governor’s Office.