Skip to main content

EDUCATIONAL ASSISTANCE SCHOLARSHIP PROGRAM

Post Updated: Nov. 10, 2022 – 1:00 PM
Magandang balita mula sa tanggapan ni Mayor Irene Maniquiz-Binan: Tuloy na tuloy na ang educational assistance dahil sa Ordinance no. 15 s. of 2022 entitled Enacting the Expanded Educational Assistance and Scholarship Program Ordinance of Municipality of Iba, Zambales.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:
SINO ANG PWEDENG MAPASAMA SA EDUCATIONAL ASSISTANCE?
Lahat ng Senior High School at College students na taga-Iba, botante O botante ang mga magulang sa bayan ng Iba, Zambales.
ANO ANG KAIBAHAN NG EDUCATIONAL ASSISTANCE AT SCHOLARSHIP GRANT?
Ang educational assistance ay para sa lahat ng taga-Iba na naga-aral sa Senior High School at College kahit saan pa man sa bansa naka-enroll. Sa scholarship program, hindi po pwedeng mapasama ang mga estudyanteng taga-Iba na naga-aral sa labas ng Iba.
PUWEDE BA TANGAPIN NG ISANG ESTUDYANTE ANG EDUCATIONAL ASSISTANCE KAHIT NA SIYA AY NAKATANGAP NA NG SCHORLASHIP GRANT?
Hindi puwede na tumagap ng dalawang beses kaya kung ang isang estudyante ay nakatangap na ng Scholarship Grant, hindi na siya puwede tumangap sa ilalim ng Educational Assistance Program at vice versa.
MAGKANO ANG MATATANGGAP NA HALAGA NG EDUCATIONAL ASSISTANCE AT SCHOLARSHIP PROGRAM?
Para sa educational assistance, ₱ 2,000 sa 1st sem at ₱ 2,000 2nd sem.
Para sa scholarship program naman ay, ₱ 5,000 sa 1st sem at ₱ 5,000 2nd sem
ANO ANG MGA KAILANGAN IPASA PARA MAPASAMA SA EDUCATIONAL ASSISTANCE?
Kailangan ipasa ang application form na galing sa Munisipyo ng Iba. Kasama ang certificate of enrollment, photocopy of valid ID, at certificate of indigency na kukunin sa Barangay kung saan nakatira ang estudyante.
SAAN KUKUHA NG FORM AT SAAN IPAPASA ANG MGA REQUIREMENTS PARA SA EDUCATIONAL ASSISTANCE?
Ang opisina ni Mayor Irene ay nakipag-ugnayan na sa lahat ng mga eskwelahan sa Iba, Zambales. Hindi na kailangan pumila para makakuha ng form. Bababa na lang sa schools ang application forms at nakalagay na ang pangalan ng lahat na taga Iba. Ang school ang mamamahala ng pagbibigay ng forms na kailangan sagutan ng mga estudyanteng nais mag-apply sa educational assistance. Ang mga requirements naman na katulad ng Certificate of Enrollment/Registration ay manggagaling na sa schools at sa barangay. Kaya hindi na kailangan i-provide ng beneficiaries. Para naman sa mga eskwelahan na walang issued valid ID, ang school na din ang magbibigay ng Certificate of NO ID.
Para sa Certificate of Indigency, hindi na kailangang pumunta sa inyong mga respective barangays dahil ang barangay na ang magbibigay sa Office of the Mayor ng mga documents na ito.
Para sa mga estudyante nan aga-aral sa ibang bayan o walang pangalan sa distributed forms pero lehitimong taga-Iba, kailangang sila ang kumuha ng application forms at magpasa ng mga nabanggit na requirements sa Local Youth Development Office (LYDO) sa munisipyo ng Iba.
PAANO KAPAG SA LABAS NG IBA, ZAMBALES ANG AKING ESKWELAHAN?
Pwede ka pa rin mapabilang sa beneficiaries ng Educational Assistance. Sagutan lang google form na ito:
at i-upload ang mga documents.
Pero, hindi ka puwedeng mapasama sa Scholarship Program ng Munisipyo. Dahil ito sa limitasyon na nakapaloob sa Local Government Code.
HANGGANG KAILAN PWEDENG MAGPASA NG FORMS AT REQUIREMENTS?
Tatangapin ng opisina ng Local Youth Development Office ang mga application para sa Scholarship Grant at Educational Assistance mula November 14, 2022 hangang December 15, 2022.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS PARA SA SCHOLARSHIP PROGRAM
SINO ANG PWEDENG MAPASAMA SA SCHOLARSHIP PROGRAM?
Para ito sa sa mga college students na may General Weighted Average (GWA) na 88%; Ang pamilya ay may total annual family income na hindi tataas sa P 200,000.00. Hindi tumatanggap ng alin sa mga major scholarship or financial aid katulad ng DOST, DSWD, atbp. Hindi nag-apply para sa Educational Assistance at bona fide resident ng Iba, Zambales. Pag nasa tamang idad na ang applikante, kailangan na siya ay rehistradong botante ng Bayan ng Iba. Kung ang applikante ay wala pa sa hustong idad, kailangan na ang kanyang mga magulang ay rehistradong botante ng bayan ng Iba, Zambales.
ANO ANG MGA KAILANGANG IPASA?
Certificate of Enrollment/Registration, Certificate of Grades with an average of no less than 88%, Certificate of Indigency, Photocopy of Validated ID or Certificate of No ID, Notarized Affidavit na nagpapatunay na hindi tumatanggap ng kahit anong major scholarship grant, Certificate of Good Moral Character, Certified True Copy of parent’s latest Income Tax Return
SAAN PWEDE KUMUHA NG FORMS PARA SA SCHOLARSHIP PROGRAM?
Sa opisina ng Local Youth Development Office sa munisipyo ng Iba.
HANGGANG KAILAN ANG PASAHAN NG REQUIREMENTS?
Ang applikasyon para sa 1st semester ang School Year 2022-2023 ay tatangapin ng LYDO mula November 14, 2022 hangang December 15, 2022. Ang mga application na may kalakip na kumpletong mga requirements lang ang tatangapin. Ang aplikasyon para sa 2nd semester ay ipapaalam sa mga susunod na announcement ng munisipyo.
#BayanNgIba
#IbaAngManiquiz
#SerbisyongMayMalasakit