
Disinfection sa Pampublikong Lugar sa ating Bayan bilang Proteksyon sa Maaaring Pagkalat ng COVID-19
Sa pakikipagtulungan ng ating mahal na Mayor Rundy C. Ebdane, Vice-Mayor Irenea M. Binan, SB Members Bureau of Fire Protection at Sanitary Unit ay muling nagsagawa ng disinfection sa pampublikong lugar sa ating bayan bilang proteksyon sa maaaring pagkalat ng COVID-19.
Matatandaan na may isang positibong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan ang ating bayan kung kayat minabuti ng lokal na pamahalaan na magsagawang muli ng safety measure upang maiwasan ang pagkalat ng mapanganib na virus sa ating lugar.
Hinihikayat po namin ang lahat na doblehin ang pag-iingat sa panahon ngayon. Maaaring manatili lamang sa mga tahanan kung kinakailangan. Ating panatilihin ang paggamit ng face mask sa tuwina at ugaliing gumamit ng alcohol bilang proteksyon.