
Checkpoint in Different Barangay for Passengers Coming from Affected City
Ang LGU-Iba sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Rundy C. Ebdane at Vice-Mayor Irenea M.Binan katuwang ang ating LDRRM, RHU, PNP-Iba at BFP-Iba ay kasalukuyang nagsasagawa ng checpoint sa barangay Amungan at Palanginan upang imonitor ang mga sasakyan na pumapasok at lumalabas sa ating bayan lalu na ang mga nanggaling pa sa ibang lugar.
Ito ay pinapatupad upang makaiwas ang ating bayan sa mapaminsalang COVID19.
Maigting ang isinasagawang pagsusuri sa mga taong mula sa ibang lugar nang sa gayon ay manatiling ligtas ang mga mamamayan ng ating bayan.