
Capacity Development/Skills Training
40 na kababaihang Ibanians ang nabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng Capacity Development/Skills Training na inorganisa ng Public Employment Services Office (PESO) ng Pamahalaang Lokal ng Iba katuwang ang Department of Labor and Employment.
Sa loob ng dalawang araw, nagbigay ng training si Ms. Roselyn Cajobe patungkol sa Meat Processing at DIY Household Cleaning Materials Making. Dito ay tinuruan ang mga benepisyaro ng mga tamang proseso at pamamaraan upang masiguro na ligtas at masustansiya ang mga magagawang produkto. Bukod sa training, pinagkalooban din sila ng mga starter pack na naglalaman ng mga kagamitan na maaari nilang gamitin bilang panimula sa pagnenegosyo.
Bago matapos ang programa, nag-iwan ng mensahe si Mayor Irenea Maniquiz-Binan na dapat bigyang prayoridad ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto ng ating bayan. Gayundin, pinaalalahanan niya ang mga benepisyaryo na magpatuloy lamang sa pagtyatyaga sa buhay at sisiguraduhin naman ng Pamahalaang Lokal na patuloy rin itong magbibigay suporta sa mga ito pamamagitan ng mga ganitong programa at proyekto.
November 7-8, 2023
Municipal Motorpool