Awarding of Certificates for Special Program for Employment of Students

Iginawad ang Sertipiko ng Trabaho sa mga estudyanteng nakatapos ng 20 araw na trabaho (mula Hulyo 25 hanggang Agosto 19, 2022) sa ilalim ng Espesyal na Programa para sa Trabaho ng mga mag-aaral o SPES nitong nakaraang biyernes, Setyembre 9.
Ang SPES ay isang daan na nagbibigay-kakayahan sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga kasanayan at karanasan sa trabaho.
Ito ay batay sa Batas Pambansa Blg. 9547 o isang gawain na nagpapalakas at nagpapalawak ng sakop ng espesyal na programa para sa trabaho ng mga mag-aaral, na nag-aambag para sa layunin ng probisyon ng Batas Pambansa Blg. 7323, kilala rin bilang espesyal na programa para sa trabaho ng mga mag-aaral.
Higit pa sa pagbibigay sa mga estudyante ng karanasan habang kumikita, ang SPES ay dinisenyo upang madagdagan ang mga oportunidad sa trabaho para sa mga kabataan sa pangmatagalang panahon.
Ang programang ito ay sa pakikipag-ugnayan ng LGU-Iba at Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE).
#IBAangMANIQUIZSerbisyongMayMalasakit

Municipal Bldg. Zone 1l, Iba, Zambales

Contact Us

(047)-811-1260

POWERED BY:

Copyright © 2020. Municipality of Iba, Province of Zambales. All rights reserved.