Skip to main content

ADOPT A FAMILY WITH A SMILING HEART

March 22, 2020 – The Zambales Police Provincial Office headed by PCOL PONCE ROGELIO I PEÑONES JR.,Provincial Director, in Its desire to serve, protect people better and maintain harmonious relationship with the citizenry while making means for the relief of dilemmas of every Zambaleño, initiated a Police Community Relation Project dubbed as “ADOPT A FAMILY WITH A SMILING HEART”

Zambales Ppo – Inilunsad ngayong araw sa Balin Zambali Hotel, Iba,Zambales, ang “Adopt A Family With A Smiling Heart”, ang “Best Practice” ng kapulisan ng Zambales sa pangunguna ni PCOL PONCE ROGELIO I PEÑONES JR na dinaluhan ni PBGEN RHODEL O SERMONIA,RD, PRO 3, ang nagsilbing Punong Pandangal at sinaksihan naman ni Hon. Mayor Rundstedt C Ebdane ng Iba, Zambales.

Sa programang ito,mag-adopt ang bawat isang myembro ng Zambales Police Provincial Office ng isang pamilyang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine dahil sa hindi na nakapagtrabaho at ito ay kanilang susuportahan para makatawid sa pang araw-araw na pangangailangan. Minadali itong ipinatupad dahil naaayon ang programang ito sa kasalukuyang krisis sa bansa.

Ayon sa Provincial Director, PCOL PONCE ROGELIO I PEÑONES JR, ikinatuwa ito ng Regional Director, PRO 3, PBGEN RHODEL O SERMONIA,RD, na agad naman niyang ipinaabot sa kanyang mga nasasakupang personalidad na kasalukuyang nakatutok sa Enhanced Community Quarantine.

Kabilang sa mga nagbigay ng benipisyo ay sina PLTCOL PRESTON K BAGANGAN, PLTCOL ORIANO C MINA, PLTCOL LEONARDO MADRID, PMAJ GENERICO BINAN, PMAJ JULIUS CAESAR NOVENO, PMAJ RICHARD FORTALEZA, PMAJ JOAN SIBAYAN, PCPT ROLANDO BALLON, PCPT NOEMI DIAZ, PCPT ANNIE DECANO,PLT ARTHUR BITANCUR.