Skip to main content

4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED

Nakilahok ang LGU-Iba sa pumumuno ni Mayor Irenea Maniquiz-Binan, sa pagsasagawa ng earthquake drill bilang pakikiisa sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED na ginanap ngayong araw, ika-10 ng Nobyembre taong 2022.
Nagsagawa ng scenario na may injuries para mas lalong mapahusay ang kasanayan ng Local Emergency Medical Responder (RHU) at Local Emergency Response Team (LDRRMO) sa pagharap sa mga sakuna kagaya ng lindol.
Katuwang ng LGU-Iba sa aktibidad na ito ang Iba Bureau of Fire Protection at ang Iba Municipal Police Station.
Layunin ng NSED ay ihanda ang bawat Pilipino sa mga hindi inaasahang panganib tulad ng Lindol. Ang pagkilala sa mga potensyal na panganib at pagpaplano ng maaga ay daan upang maging ligtas ang bawat isa at mabawasan ang malubhang pinsala na dala ng Lindol.
#4QNSED2022
#BidaAngHanda
#ResiliencePH